Briannah Cassandra Manlapaz, 24 years old, working in an electronic company as an office clerk. In a relationship with Kurt Aaron Peralta for 3 years pero simula ng malaman nila mahihirapan sila mag-kaanak agad dahil mayroon siyang Polycystic ovary syndrome or PCOS, unti-unti naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng kanyang boyfriend. Ginawa niya ang lahat para hindi sya iwanan ni Kurt, pero nagawa pa rin siyang lokohin ni Kurt at ang masaklap pa, ipinagpalit siya sa kaibigan, na ka-officemate din nila. Labis na nasaktan si Briannah at hindi niya matanggap na nabuntis pa ito ng kanyang boyfriend. Ang kalaguyo pa ng kanyang boyfriend ang ngayong pinakasalan at itinira sa bahay na siya naman ang nag asikaso ng lahat. Sa labis na kabiguan sa mga nangyari at sa isiping wala ng lalaki na mag mamahal ng toto at tatanggap sa kalagayan niya, naglaho na rin ang pangarap niya magkaroon ng sariling pamilya. Nag desisyon siyang mag resign sa kumpanya na pinagtatrabahuhan nila ng kanyang taksil na nobyo. Ayaw niyang masaksihan ang pagsasaya ng dalawa tapos siya ay naghihirap ang kalooban dahil sa katotohanang mahal na mahal niya ang kanyang nobyo. Pumunta muna sa isang malayo pero napaka gandang isla para mag unwind. Sa pananatili niya ng ilang linggo sa Cabilao Island, doon niya matatagpuan ang estranghero na magpapa bago sa kanyang hinaharap at mag iiwan sa kanya ng magagandang alaala. Alaala na habang buhay niyang ipagpapa salamat na nangyari sa kanya. Muli pa kaya mag tatagpo ang landas ang landas nila ng estranghero na iyon? Paano kung biglang mag tagpo bigla ang landas nila sa hindi inaasahang lugar at pagka kataon? Paano niya ito haharapin? Makilala pa kaya siya ng estranghero?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.