Paano nagagawa ng mga tao na ngumiti sa gitna ng sakit at paghihirap na dinaranas nila? Iyan ay isa lamang sa katanungan na namamalagi sa isipan ng binatang si Haru Delfin, dala-dala niya ang Curse of Bond (Sumpa sa Pakikihalubilo). Siya ay nakatira sa probinsya ng Quezon kasama ang kanyang mga kapatid na sina Natsu, Aki, at Fuyu. Ang Curse of Bond ay isang sumpa kung saan ang taong nagtamo nito ay hindi pinahihintulutang magbigay aruga, pagmamahal, at apeksyon sa ibang tao bukod sa kanyang pamilya. Ito ang mga binitawang salita ng unang asawa ng Tatay ni Haru dahil ito ay nagloko sa kanya. Ito ay isa sa rason para mag-desisyon si siya na gumawa ng sariling mundo kung saan ay wala siyang masasaktan. Sa pagpasok niya sa unibersidad na kanyang pinag-aaralan at pagsisimula na kanyang taon bilang isang Senior High School na estudyante, nakilala niya ang isang babae na si Sakura Villanueva. Siya ay desente kung tignan at mayroon masiyahing personalidad. Nang una ay hindi ito masyadong pinapansin ni Haru ngunit nang nagkaroon sila ng tiyansa na makilala ang isa't isa ay nagbago naman kaagad ito. Sa pagdaan ng mga araw, hindi pa din ganoon naging kadali ang pagsasama nila bilang mag-kaibigan. Nakalipas ang walong buwan at nagkaroon muli sila ng suliranin sa kanilang pagkakaibigan. Nag-desisyon si Sakura na aminin ang tunay na nararamdaman niya kay Haru ngunit ito ay inignora lamang ng lalaki kahit siya ay may nararamdaman din para sa dalaga. Alam niya kasi na hindi tama ang kanyang gagawin kung aamin siya kay Sakura dahil sa dala-dala niyang sumpa. Nang umuwi si Haru ay may nalaman siya mula sa kanyang kapatid na si Aki. Nangatog ang buong katawan niya nang malaman niya ang pinakamalaking rebelasyon sa kanyang buhay. Ano kaya ang mga ibinunyag ni Aki? Maaayos pa nga ba ni Haru at Sakura ang kanilang relasyon sa isa't isa. Talaga nga bang ito ang mundo na nakatadhana para sa kanila? Abangan... Language: Tagalog-English Status: On-Hold
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.