My enemy, My lover (NBSB #2)

My enemy, My lover (NBSB #2)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.3K
READ
others
second chance
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Teaser:

Parang aso at pusa yan ang turingan nina Lily at Hugo. Unang araw pa lamang ng klase ay naging tampulan na sila ng tukso. Tila kulang ito lagi sa pansin niya. Nang ligawan siya nito ay pinigilan niya ang sariling magustuhan ito ngunit nang makilala niya pa ito ng lubos ay nag iba ang tingin niya dito. Kalaunay naging magkasintahan sila nito. Masaya na sana ang lahat kung hindi lamang dahil sa isang pangyayari. Nagalit ito ng labis sa kanya at hindi na siya pinansin pa.

Matapos ang graduation day nila ay nabalitaan niyang bumalik na ito ng Canada. Wala man lamang silang naging closure nito. Makalipas ang anim na taon ay muling nag-cross ang kanilang mga landas. Muli kayang maibalik ang dating pagtitinginan nila o matuldukan na ang nagdaang relasyon?

Subaybayan niyo po ito. I will try my best na mag-update daily.

chap-preview
Free preview
Chapter One
PASADO alas-singko ng umaga nang tumunog ang kanyang alarm. Kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan at agad iyong pinatay. Nakapikit pa ang mga mata nang umupo siya. Tinatamad pa ako! Sinampal-sampal ang sarili para magising. Unang araw ng pasok nila sa paaralan ngayon. Nasa fourth year highschool na siya. Agad siyang tumayo at nagtungo na sa banyo para maligo. Nang makababa siya sa kusina ay nadatnan niya ang ina na patapos na sa paghahanda ng kanyang almusal. "Halika na anak, nakahain na ang almusal mo," baling nito sa kanya. Agad naman siyang tumalima. "Hmm.. Mukhang masarap po ang mga ito, ma" aniya habang nilalanghap ang amoy ng sinanghag. Dalawa na lamang sila ng ina na magkasama sa buhay. Nasa tiyan pa lamang siya ng ina nang mamatay sa isang aksidente ang kanyang ama. Magkagayon pa man ay hindi niya naramdaman na may kulang sa kanya. Pinupunan ng kanyang ina ang lahat ng kanyang pangangailangan. Busog siya sa pagmamahal ng ina. Napangiti naman ito sa kanya. Gusto niyang kahit sa ganung paraan ay mapasaya niya rin ito. "Bolero ka talaga. Simpleng sinanghag at piniritong itlog na may kamatis lang naman 'yan,"nakangiting sabi nito. "Kahit pa tuyo ang lutuin mo ma, masarap pa rin," sabi niya bago ihipan ang kutsarang puno ng sinanghag na kanin at may halong itlog. "Sus! Kumain ka na lang ng marami. Unang araw pa naman ng klase nyo," umupo na rin ito at sinabayan siya sa pagkain. Isa itong teacher sa elementarya sa pinapasukan niyang paaralan. Nang matapos siyang kumain ay dumaan muna siya sa bahay ng kaibigan niyang si Tricia. Sa katabing bahay lang naman nila ito nakatira. Sabay sila nitong papasok. Tuwang-tuwa silang pareho nang malaman na magka-klase sila nito. Ang ina niya ay nauna nang pumasok sa trabaho. Nang mag doorbell siya ay agad naman nitong binuksan ang gate. Bumungad ang nakangiting si Tricia. Matalik sila nitong magkaibigan mula pa mga limang taon pa lamang sila. "Kanina ka pa ba?" tanong nito. "Hindi naman, sakto lang," aniya. Magkahawak kamay sila nitong naglakad papunta sa paaralan. Walking distance lang naman iyon. Napansin nilang nililinis ang malaking mansyon na katapat ng kanilang bahay. Puro mga care taker lang ang madalas niyang makita na naglalagi roon. "Ang alam ko ay may nagbabalak na daw na tumira dyan," anang kaibigan na nakatingin na rin pala sa mansyon. "Edi magkakaroon na pala tayo ng bagong kapitbahay," may himig ng pagka-excite niyang sabi. Maganda nga iyon nang sa gayon ay magkakaroon sila ng bagong kaibigan. "Sa tingin ko rin," sabi nito. Nang marating ang silid aralan ay naghanap sila ng dalawang bakanteng upuan. Pinili nila ang pinadulong bahagi dahil ayaw nilang mauna sa 'introduce yourself' sa harap ng klase. Kabisado na nila iyon. Tuwing unang araw ng klase. Nag umpisa na ring magsipag datingan ang iba pa nilang mga ka-klase. "Okay, class. I'm Mrs. Cabahan. I will be your teacher in English and will be your class adviser," pakilala ng ka papasok lamang na guro. Sa tingin niya ay nasa late thirties na ito. Hindi naman katabaan ang pangangatawan. Lampas balikat ang wavy nitong buhok. Matapos ang ilang paalala ay sandali itong tumigil at nilingon ang labas ng pinto. "By the way class. I want to introduce one of the transferee," sabi nito bago tinawag ang taong nasa labas. Nag umpisang lumakad ang malaking bulto ng lalaki. Agad namang umugong ang bulungan sa loob ng classroom. Nang humarap ito sa klase ay napigil niya ang paghinga. Makalaglag panty ang karisma nito. Nangungusap ang kulay asul nitong mga mata. Kung makatitig ay akala mo manghihigop ng kaluluwa. Matangos ang ilong at manipis ang mapupulang labi. Makinis ang kutis at nasisiguro niyang may foreign blood ito. Tila nahihipnotismo ang mga kababaihan sa klase at kabilang na siya sa mga iyon. Heart, kalma lang. Lalaki lang 'yan! Saway niya sa puso niyang nagwawala na sa loob. "Class, please quiet!" Saway ng adviser nila. Binalingan nito ang guwapong transferee at sinabing humanap na ng mauupuan. Agad naman itong tumalima. Nilibot ang paningin sa paligid. Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga paningin. Shock! Nakatingin siya sa akin! Tili niya sa isip. Ngayon lang siya na aliw ng ganito sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala. Namalayan na lamang niya na nakalapit na pala ito sa harap niya. Pasimple niyang kinurot ang sarili para magising sa kalandian. "Is this seat taken?" tukoy nito sa katabi niyang upuan. "N-no," nauutal niyang sabi bago inalis ang bag niyang nakapatong doon. Ayaw niya kasing may maupo sa tabi niya pero kung kasing guwapo naman nito. Well kahit ibigay niya pa ang sariling upuan. Kalma lang please! Kastigo niya sa sarili. Ngumiti ito sa kanya bago umupo sa bakanteng silya. Sa laki nito ay mahihiya ang upuan dito. Kailangan yata nitong magdala ng sarili nitong upuan. Animo'y matured na ang pangangatawan. Pang basketball player ang datingan. Nang mapatingin siya kay Tricia ay makahulugan ang tingin nito sa kanya. Masyado ba akong obvious!? Pinilit niyang makinig sa pinapaliwanag ng guro kahit ang kalahati ng kanyang atensyon ay nasa katabing estranghero. "Okay, I also want to know all of you. So, all of you needs to introduce yourself. We will start on the last row," Tukoy nito sa gawi nila ni Tricia. Shocks! Bakit kami ang una?! Agad naman siyang binundol ng kaba. Hindi niya inaasahan na sa huling row mag uumpisa. Ang kaibigan niya ay tumalima at ipinakilala ang sarili. Nanahimik naman ang buong klase. Matapos nito ay naupo na ito. Siya naman ay huminga muna ng malalim bago nagsalita. "Good morning everyone. I'm Lilybeth San Agustin, but you can call me Lily. Sixteen years old. Nag iisip siya ng kasunod. Naba-blangko ang utak niya. Tila naiinip naman ang iba sa susunod niya pang sasabihin. "Do you have a boyfriend?" tanong ng baritonong tinig. Ang katabi niyang estranghero na seryosong nakatingin sa kanya. Bigla ang pagbulusok ng init sa kanyang mukha. Alam niyang narinig ng lahat ang tanong nito. Muling umugong ang ingay sa loob ng klase. May mga nagsisipulan pa. "Woah! Meant to be!" narinig niyang sigaw sa di kalayuan. Hindi niya pa rin mahagilap ang dila. Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya. "She doesn't have a boyfriend," sagot naman ng kaibigan niya dito. Napapagitnaan siya ng mga ito. Halos pandilatan niya ang kaibigan. Lalo pang umingay ang klase. "Class quiet," saway ng guro nila. "I guess we have a perfect pair of couple in our class," may himig panunukso nitong sabi. Dinig na naman ang ingay ng mga kinikilig niyang ka-klase. Hay, naku lagot ka sa akin mamaya Tricia! Pahamak ka! ngitngit niya. Muling na nahimik ang lahat nang tumayo ang estrangherong guwapo. " Good morning. I'm Hugo Anderson. Half Filipino, half Canadian. I'm fond of listening to music, playing musical instruments. My hobbies are dancing and singing. I also played basketball," tila may dumaang anghel sa classroom. Lahat ay nakatuon ang atensyon dito. " Do you have a girlfriend? Incase Lily wants to know, "singit naman ng kanilang guro. Buwesit! Pinanlakihan niya ng mga mata ang guro. Omg! Mukhang magiging tampulan pa ata siya ng tukso sa klase. Pati guro nila ay aliw na aliw sa kanila. Bahagya itong yumuko nang bumaling sa kanya. "I don't have a girlfriend," anito sabay kinda. Tila aliw na aliw pa itong sakyan ang panunukso ng kanilang guro at buong klase. Ahh! Gusto na niyang mag walk out nang mga oras na iyon. Muli na naman ang ugong ng mga kinikilig nilang ka-klase.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
150.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
52.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
198.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
88.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.8K
bc

His Obsession

read
95.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook